Tuesday, April 21, 2015

KUNG ANO ANG PUNO SIYANG BUNGA?


Totoo ba ang kasabihang "kung ano ang puno siyang bunga"? Kapag galing sa broken family ang isang tao magiging broken family din siya pagdating ng araw? Maraming nagsasabing totoo nga ito, base on their experience daw. May nakapagsabi pa sa akin na "ang puno ng mangga hindi mamumunga ng santol". Nung una hindi ko naintindihan kaagad ang mensaheng nais niyang ipabatid sa akin (may pagka-slow, sare) pero eto pala 'yon? Para sa akin ang, kasabihan ay kasabihan lamang, hanggang doon lamang ito. Nangyayari ito sa ibang pamilya dahil ito ay ayon sa plano ng ating Panginoon. Hindi naman porke galing sa broken family wala ng karapatang gumawa ng buong pamilya. Why don't give chance to the person that comes from a broken family? Wala namang mawawala kapag nagkamali at least you've learned from your mistakes.

Happy reading! 

Saturday, April 18, 2015

TRUE LOVE WAITS ❤


Walang permanente sa mundo, lahat nagbabago. Kahit na sabihin pang mahal niyo ang isa't isa walang makakapagsabi kung siya na ba talaga ang inilaan sa iyo ng Panginoon. Dumadating sa punto na hindi mo maiintindihan ang mga pagkukulang ng iyong kasintahan at kayo ay hahantong sa paghihiwalayan. Masasabi kong hindi malawak ang pang-unawa ng taong nakikipaghiwalay dahil lamang sa pagkukulang na hindi maibigay ng kanyang kasintahan. Pero paano nga ba kung sa mahabang panahon na pagiging magkasintahan niyo ay nakaramdam ka na ng pagkukulang? Paano kung nagdadalawang-isip ka na sa relasyon niyo? Sabi, hindi sa tagal ng pinagsamahan makikita ang pagmamahal niyo sa isa't isa kung hindi sa tatag ng pagsasamahan. Maraming oportunidad ang nag-aabang sa ating mga kabataan. Kung siya talaga ang inilaan ng Panginoon sayo, Siya mismo ang gagawa ng paraan para magtagpo ulit ang inyong landas sa hindi inaasahang pagkakataon, lugar at oras. Kung single ka ngayon, hintay-hintay lang baka paparating na ang forever mo ❤ Wag mag-apura na magka-love life, baka kasi ito pa ang ikapahamak nating mga kabataan. True love waits! 👏

Happy reading!