Saturday, April 18, 2015

TRUE LOVE WAITS ❤


Walang permanente sa mundo, lahat nagbabago. Kahit na sabihin pang mahal niyo ang isa't isa walang makakapagsabi kung siya na ba talaga ang inilaan sa iyo ng Panginoon. Dumadating sa punto na hindi mo maiintindihan ang mga pagkukulang ng iyong kasintahan at kayo ay hahantong sa paghihiwalayan. Masasabi kong hindi malawak ang pang-unawa ng taong nakikipaghiwalay dahil lamang sa pagkukulang na hindi maibigay ng kanyang kasintahan. Pero paano nga ba kung sa mahabang panahon na pagiging magkasintahan niyo ay nakaramdam ka na ng pagkukulang? Paano kung nagdadalawang-isip ka na sa relasyon niyo? Sabi, hindi sa tagal ng pinagsamahan makikita ang pagmamahal niyo sa isa't isa kung hindi sa tatag ng pagsasamahan. Maraming oportunidad ang nag-aabang sa ating mga kabataan. Kung siya talaga ang inilaan ng Panginoon sayo, Siya mismo ang gagawa ng paraan para magtagpo ulit ang inyong landas sa hindi inaasahang pagkakataon, lugar at oras. Kung single ka ngayon, hintay-hintay lang baka paparating na ang forever mo ❤ Wag mag-apura na magka-love life, baka kasi ito pa ang ikapahamak nating mga kabataan. True love waits! 👏

Happy reading! 

No comments:

Post a Comment